![]()
Anim na Ukrainian facilities ang tinarget ng Russia, ilang oras matapos ianunsyo ni US President Donald Trump na nagkasundo ang dalawang bansa para sa energy ceasefire.
Sinabi ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskiy na sa kabila ng anunsyo ni Trump na “effective immediately” ang truce, pinasabugan pa rin ng Russia ang kanilang gas stations, energy infrastructure, at iba pang mga pasilidad.
Nagkaroon ng blackouts sa Izyum City matapos wasakin ng Russia ang power grids, ayon sa Ukraine’s state news agency na Ukrinform.
Tinarget din ng Russia ang energy at railway infrastructure sa western Ukraine na nagdaang magdamag.
