dzme1530.ph

Pari, sinunog sa Nigeria

Walang awang sinunog ng buhay ang isang pari ng Simbahang Katolika sa Northwestern Nigeria. Dinukot ng mga armadong suspek ang limang mga mananampalataya sa magkahiwalay na pag-atake sa Kafin-koro Village.

Ayon sa mga otoridad, hindi pa nakikilala ang grupo, pero naniniwala sila na mga bandidong grupo o mga terorista ang gumawa ng krimen kay Fr. Isaac Achi.

Kasama din natupok sa sunog ang bahay ng pari habang sugatan dahil sa tama ng bala si Fr. Collins ng magtangka itong tumakas.

Sinubukan pang dalhin sa ospital ang pari pero dahil sa matinding pinsala ng sunog binawian narin ito ng buhay.

Hindi rin nakaligtas ang isang bahay ng kristiano sa Dan Tsauni Village at dito dinukot nila ang limang katao.

Patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad ang mga tumakas na suspek.

About The Author