dzme1530.ph

PBBM, nagpa-abot nang pagbati sa ika-78 kaarawan ni dating Pang. Duterte

Nagpaabot ng pagbati si Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kaarawan ni dating Pang. Rodrigo Duterte.

Sa kanyang pagbati, hinihiling ni Marcos ang masayang selebrasyon para kay Duterte at hindi niya umano alam kung nakakapag-relax pa ito matapos ang lifetime na pagta-trabaho.

Tiniyak din ng Pang. Marcos sa kanyang video message sa dating Pangulong Duterte na lahat ng magandang nasimulan nito ay kanyang ipagpapatuloy.

Umaasa rin si Marcos na ang lahat ng proyektong sinimulan ng kanyang predecessor ay magiging matagumpay.

Kahapon ay sinalubong ni Duterte ang kanyang ika-78 kaarawan.

About The Author