dzme1530.ph

PARATANG NA GINAGAMIT ANG PANUKALANG 2027 BUDGET PARA IPRESSURE ANG MGA SENATOR JUDGES SA IMPEACHMENT, TINAWAG NA UNFAIR

Loading

TINAWAG na unfair o hindi makatwiran ni Senador Panfilo “Ping” Lacson ang alegasyon ni Vice President Sara Duterte na ginagamit ang panukalang 2027 national budget para i-pressure ang senator judges sa impeachment trial at gagamitin itong reward sa mga boboto para sa kanyang conviction
 
Sinabi ni Lacson na ang ganitong sweeping statement mula sa pangalawang pangulo ay hindi makatwiran para sa mga masugid na nagsusulong ng integridad ng national budget at nagsisilbing tagapagbantay sa pambansang budget
 
Iginiit ni Lacson na sa buong panahon ng kanyang panunungkulan bilang senador ni minsan ay hindi siya bumigay o nagpadala sa tukso ng anumang uri pork barrel.
 
Itinanggi rin ni Senate President Sherwin Gatchalian ang alegasyon kasabay ng pagsasabing katatanggap pa lamang nila ng kopya ng General Appropriations Bill mula sa Kamara at patuloy pa nila itong hinihimay.
 
Wala anyang basehan ang naturang alegasyon kasabay ng pagtiyak na transparent ang pagtalakay nila sa budget kaya’t makikita ng lahat ang paggalaw nila dito.

About The Author