dzme1530.ph

‘HOUSE PROSECUTORS, BABALAAN SA GINAWANG WACKY POSE SA LOOB NG SESSION HALL ‘

Loading

PADADALHAN ng warning ni Senate President Sherwin Gatchalian ang House Prosecutors dahil sa ginawa nilang wacky pose sa loob ng session hall noong huling araw ng impeachment trial.
 
Sinabi ni Gatchalian na ang session hall ng Senado ay sagradong lugar na dapat ay igalang at irespeto ng bawat bisitang nagtutungo rito.
 
Kinumpirma ng senate leader na pinaiimbestigahan na niya sa Office of the Senate Sgt. At arms ang isyu at pinasisilip ang cctv footages sa loob ng session hall upang matukoy na hindi AI o edited photos ang lumabas.
 
Sa sandali anyang makumpirma na ginawa ito ng house prosecutors ay padadalhan niya ng sulat ang mga ito at wawarningan.
 
Maging ang iba pang mga personalidad na nagsagawa ng kakatwang mga bagay tulad ng pagti-tiktok sa hallway ay pinasusuri na rin ng senate president.

About The Author