dzme1530.ph

Panukalang umento sa sahod ng mga manggagawa, kailangan na

Umaapela ang grupo ng mga manggagawa na itaas ang kanilang sweldo sa kabila ng walang puknat na pagsirit ng presyo ng mga bilihin.

Mayorya sa mga empleyado ng pribadong kumpanya ay pabor sa panukalang batas na itaas ang kanilang arawang sahod sa P750 mula sa kasalukuyang P570 sa Metro Manila.

Matatandaang isinusulong ng Makabayan Bloc sa mababang kapulungan ng kongreso ang umento sa sahod ng mga trabahador para makasabay sa pagtaas ng inflation rate sa bansa.

About The Author