dzme1530.ph

Bryan Adams, naghahanda na para sa kanyang concert sa Pilipinas

Muling magtatanghal sa Pilipinas ang Grammy-winning singer-songwriter na si Bryan Adams.

Dadalhin ni Bryan ang kanyang Filipino fans sa isang “Trip Down Memory Lane” sa pamamagitan ng kanyang hits mula 1980s.

Ang Manila stop ng kanyang concert tour na “So Happy It Hurts,” na inorganisa ng Wilbros live, ay gaganapin sa Araneta Coliseum bukas, March 15.

Sa maiksing virtual press conference, sinabi ng 63-year-old Canadian singer na siniguro niyang makakasama ang Pilipinas sa Asia leg ng kanyang concert.

Kabilang sa mga hit songs ni Bryan ang “Straight From The Heart,” “Heaven,” “Cuts Like A Knife,” “Please Forgive Me,” at marami pang iba.

About The Author