dzme1530.ph

Sen. Hontiveros, isinusulong ang bayad-danyos sa ‘comfort women’

Isinusulong ni Senator Risa Hontiveros ang isang resolusyon na humihikayat sa pamahalaan na tuparin ang treaty obligations nito na magbigay ng bayad-danyos sa World War 2 “Comfort Women” at kanilang mga pamilya.

Ito ani Hontiveros ay upang tugunan ang gender inequality at sexual violence sa mga biktima ng karahasan noong panahon ng digmaan.

Sinabi ng Senador na may maliit na pagkakataon lamang ang bansa  para gumawa ng makabuluhang hakbang dahil marami sa mga nakaligtas ay pumanaw na at ang iilan na natitira ay nasa kanilang twilight years na.

Matatandaang, inireklamo ng United Nations Committee on the Elimination of Discrimination Against Women noong nakaraang linggo ang pagpalya ng gobyerno na maibigay ang reparation, social support at recognition para sa Comfort Women.

About The Author