dzme1530.ph

US AT IRAN, POSIBLENG IPAGPATULOY ANG NEGOSASYON NGAYONG LINGGO SA KABILA NG PORT BLOCKADE

Loading

Maaaring magpatuloy ang pag-uusap sa Pakistan upang matapos na ang digmaan sa pagitan ng Estados Unidos at Iran sa susunod na dalawang araw, ayon kay US President Donald Trump.

Ito’y matapos mag-collapse noong weekend ang negosasyon, dahilan para magpatupad ng barikada ang Washington sa Iranian ports.

Inihayag din ng Gulf, Pakistani, at Iranian officials na maaaring bumalik ang negotiating teams mula sa US at Iran sa Islamabad, ayon sa isang senior Iranian source.

Bagaman ikinagalit ng Tehran ang US blockade, ang mga palatandaan na maaaring magpatuloy ang diplomatic engagement ay makatutulong para kumalma ang oil markets.

About The Author