dzme1530.ph

Pamplona Mayor Janice Degamo, inabswelto ang police security escorts sa pagpaslang sa kanyang mister

Naniniwala si Pamplona Mayor Janice Degamo na walang kinalaman sa pagpaslang sa kanyang mister na si Negros Oriental Gov. Roel Degamo ang police security escorts nito na pawang mga absent nang mangyari ang krimen.

Nilinaw ng alkalde ang impormasyon na inutusan umano ang mga pulis na huwag mag-report sa trabaho noong March 4, kasabay ng pagsasabing wala siyang sama ng loob sa mga ito.

Ayon kay Mayor Degamo, apat sa police security escorts ay ipinatawag sa Maynila para sa imbestigasyon.

Idinagdag pa niya na malapit sa kanyang asawa ang mga pulis at isa rito ay kamag-anak pa nila.

Noong nakaraang linggo ay nanawagan si Speaker Martin Romualdez na imbestigahan ang kabiguan ng lima sa anim na police security personnel na nakatalaga kay Degamo na mag-report sa trabaho nang araw na paslangin ang gobernador.

 

About The Author