dzme1530.ph

Biyuda ni Negros Oriental Gov. Roel Degamo, nais patalsikin sa kamara si Cong. Teves

Lumagda ng petisyon ang biyuda ni Negros Oriental Gov. Roel Degamo na si Pamplona Mayor Janice Degamo para patalsikin ng kamara bilang miyembro si Negros Oriental 3rd District Rep. Arnie teves.

Sinuportahan din ni Mayor Degamo ang panawagan ng ilang mambabatas kay Teves na umuwi na sa bansa upang ipagtanggol ang sarili nito, partikular sa alegasyon ng pagpaslang sa gobernador.

Una nang ikinanta ng dalawang naarestong suspects na sina Joric Labrador at Benjie Rodriguez, na parehong sundalo, na isang “Cong. Teves” ang nag-utos sa kanila na itumba si Gov. Degamo.

March 4 nang paslangin ang gobernador sa bahay nito sa bayan ng Pamplona habang namamahagi ng ayuda sa kanyang constituents.

About The Author