![]()
Nangangamba ang pamilya ni Ryzza Mae Dizon sa natanggap na death threats na ipinadala sa email ng young actress.
Sa official Facebook page ng pamilya, ibinahagi ng Team Ryzza ang screenshots ng emails noong Oct. 9, kasama ang isang statement na nagpapahayag ng kanilang takot sa naturang insidente.
Ang Facebook page ay mina-manage ng ina ni Ryzza na si Rizza, at siyang naglalabas ng vlogs tungkol sa kanilang pamilya.
Sinabi ng Team Ryzza na nagulat sila dahil wala naman silang kaaway o inaagrabyadong tao.
Isa sa mga mensahe ay humihingi ang sender ng ₱20,000 kapalit ng buhay ni Ryzza, dahil kailangan nito ng pang-opera sa anak.
Kung hindi umano ibibigay ang pera, ay ang ina ng TV host ang itutumba.
Nagbigay naman ng payo ang mga netizen, gaya ng i-report ng Team Ryzza sa tamang awtoridad ang pagbabanta at mag-lie low muna sa pagba-vlog.
