![]()
Welcome kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukala ng Mitsubishi Corporation na 700-million dollar investment sa Ayala Corporation, na posibleng maging isa sa largest foreign equity investments sa Pilipinas.
Nakipagpulong si Pangulong Marcos sa mga executive ng Japanese conglomerate at Ayala Corp. sa kanyang official visit sa Singapore para talakayin ang proposed investment, kung saan tataas sa 15% mula sa 4.7% ang share ng Mitsubishi sa Philippine company.
Inihayag ng Presidential Communications Office (PCO) na in-update din ng dalawang kumpanya ang Pangulo sa agreements na nilagdaan sa kanyang state visit sa Tokyo noong Mayo.
Kabilang dito ang Philippines’ first intelligent city initiative sa Makati at partnerships para palawakin ang digital finance sa pamamagitan ng GCash.