![]()
Inanunsyo ni Pope Leo XIV na sasailalim siya sa operasyon para alisin ang bukol sa kanyang baga na nadiskubre sa kanyang pinakahuling checkup.
Ginawa ng 71-year-old na Santo Papa ang anunsyo sa harap ng mga dumalo sa Angelus prayer sa St. Peter’s Square.
Sinabi ni Pope Leo na na-detect ang lung nodule “at a very early stage and well-defined.”
Aniya, nagpasya siyang sundin ang payo ng mga doktor na alisin ang bukol upang maagapan.
Inihayag ng Vatican na isasagawa ang procedure sa susunod na linggo at kakailanganin ng isang linggo ng Santo Papa na manatili sa ospital para magpagaling.
