dzme1530.ph

Pambobomba sa Marawi City, matinding dagok sa pagkakamit ng kapayapaan sa Mindanao

Malaking dagok sa pagkakamit ng kapayapaan sa Mindanao ang insidente ng pambobomba sa Mindanao State University sa Marawi City.

Ayon kay Budget Sec. Amenah Pangandaman, bilang co-chairperson ng Inter-Governmental Relations Body ay nagsusumikap silang makamit ang pangmatagalang kapayapaan tungo sa pag-unlad at kasaganahan sa rehiyon.

Kaugnay dito, bilang isang anak ng Mindanao at ng Marawi ay ikinadurog umano ng kanyang puso ang nangyaring trahedya.

Nagpaabot na ng pakikiramay si Pangandaman para sa mga biktima ng pag-atake at kanilang mga pamilya, kasabay ng pagtitiyak ng patuloy na pakikipagtulungan sa mga kaukulang opisyal ng national at Bangsamoro Gov’t upang maibalik ang kaayusan at seguridad sa Mindanao. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author