dzme1530.ph

Mahigit 2,600 katao, apektado ng tumamang magnitude 7.4 na lindol sa Mindanao!

Umabot sa mahigit 2,600 ang bilang ng mga indibidwal na apektado ng tumamang magnitude 7.4 na lindol sa Mindanao.

Ayon sa Presidential Communications Office, 529 na pamilya o 2,647 na katao ang apektado.

Samantala, pinauwi na ang mga pamilyang inilikas sa Mati Davao Oriental, habang inaalam pa ang eksaktong bilang ng evacuees sa buong Caraga Region.

Pansamantala na ring isinara ang dalawang tulay na napinsala.

Naibalik naman na ang suplay ng kuryente sa Davao City, Davao de Oro, Davao Oriental, at Hinatuan Surigao del Sur. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author