![]()
Doable pa rin ang July 6 na pagsisimula ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Ito ang iginiit ni Impeachment Clerk of Court Renato Bantug Jr. sa gitna ng natatagalang pre-trial conference.
Aminado si Bantug na may posibilidad na ma-extend pa ang pre-trial conference at hindi ito matapos hanggang ngayong araw dahil sa libo-libong documentary evidences na hindi pa natatapos markahan.
Sinisikap din aniya nilang matapos sa loob ng linggong ito ang pre-trial conference kaya pinalawig na rin nila hanggang alas-siyete ng gabi ang ginagawang marking of evidence.
Kung matapos ngayong araw o hanggang bukas ang pre-trial conference, maaari nang maglabas ang impeachment court ng pre-trial order sa Lunes at may tatlong araw ang prosecution at defense team para mag-isyu ng kanilang mga komento ukol dito.