![]()
Kinilala si Bureau of Customs (BOC) Commissioner Ariel F. Nepomuceno bilang isa sa mga awardee sa Third International Tobacco Summit bilang pagkilala sa patuloy na kampanya ng ahensya laban sa iligal na kalakalan ng produktong tabako at pagpapatibay ng border security.
Sa ilalim ng kanyang pamumuno, nakapagsagawa ang BOC ng 187 enforcement operations sa nakalipas na limang buwan na nagresulta sa pagkakasabat ng ₱13.5 bilyong halaga ng smuggled cigarettes at iba pang tobacco products.
Ayon sa BOC, patuloy nitong paiigtingin ang kampanya laban sa smuggling upang maprotektahan ang kita ng pamahalaan, suportahan ang lehitimong negosyo, at mapanatili ang seguridad sa mga hangganan ng bansa.
