![]()
Napigilan ng mga awtoridad ang tangkang school attack sa Leyte, dalawang araw matapos ang Tacloban school shooting.
Ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla, tinawagan siya ni Senador Bam Aquino kagabi at sinabing may nagbigay ng impormasyon mula sa Tacloban kaugnay sa pinaplanong mass shooting.
Natuklasan ito sa Facebook posts umano ng isang Grade 10 student mula sa Tolosa National High School.
Gumawa umano ng multiple accounts ang estudyante at nagbanta na manggugulo sa paaralan kahit sino pa ang masaksak o mabaril.
Agad namang pinuntahan ng mga awtoridad ang bahay ng estudyante na kinalaunan ay binura ang mga post.
Sinabi ni Remulla na isa sa tinitingnan nilang motibo ay personal at family issues.
Matapos namang maresolba ang problema sa kanilang pamilya ay na-neutralized na ang threat.
Naniniwala si Remulla na posibleng naimpluwensyahan ito ng naganap na shooting incident sa San Jose National High School.
