![]()
Welcome sa House prosecution team ang kasong grave threats na isinampa ng Dep’t of Justice laban kay VP Sara Duterte kaugnay sa pagbabanta nito sa buhay ni PBBM at dalawang iba pa.
Ayon kay House lead prosecutor Rep. Gerville Luistro ng Batangas, ang hakbang ng DOJ ay patunay na “no one is above the law.”
Para naman kay Mamamayang Liberal Rep. Leila de Lima na prosecutor din sa impeachment trial, “dapat lang na kasuhan si Duterte.”
Matatandaan na noong Nov. 2024 sa isang online presscon ni Duterte, sinabi nito na may kinausap na siyang assassin para patayin ni Pang. Marcos, FL Liza Araneta-Marcos at noo’y House Speaker Martin Romualdez.
Ang death threat ay nakapaloob sa Article IV ng impeachment case na nililitis ngayon sa impeachment court.