![]()
Kumbinsido ang isang political analyst na legal ang ginawang paghalal ng Impeachment Court kay Senador Francis Chiz Escudero bilang presiding officer ng Impeachment Court.
Sa panayam ng ME Radio TV, sinabi ni Atty. Paolo Tamase, Associate Dean ng UP College of Law, na kung uunawain ang nilalaman ng Saligang Batas ay malinaw na pinapayagan ang aksyong ito ng mga senator-judges.
Kasabay nito, sinabi ni Tamase na hindi pa maituturing na final ruling ang pahayag ni Escudero kaugnay sa bilang ng mga boto ng senator-judges para sa conviction.
Subalit, kung pagbabatayan ang mga kasalukuyang kaganapan, sinabi ni Tamase na 16 pa rin ang dapat na maging threshold.
