dzme1530.ph

HOUSE PROSECUTION TEAM, NAKAHINGA NA SA PAGSISIMULA NG IMPEACHMENT TRIAL LABAN KAY VP SARA DUTERTE

Loading

Nakahinga na ang House prosecution team na tuluyan nang nasimulan ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
 
Sa panayam ng ME Radio TV, sinabi ni House Prosecution Team Spokesperson at Kabataan Party-list Rep. Renee Louise Co, matapos ang mahabang panahon ay mapapakinggan na ang mga ebidensya laban sa Bise Presidente.
 
Sinabi ni Co na inaasahan nila ngayong araw ay maipiprisinta na sa korte ang mga tauhan ng National Bureau of Investigation na bahagi ng kanilang testigo kaugnay sa Article 4 na may kinalaman sa pagbabanta kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

About The Author