![]()
Sisimulan ng House prosecution team ang pagtalakay sa Article 4 o ang “death threat” ni VP Sara Duterte laban kina PBBM, First Lady Liza Marcos, at former Speaker Martin Romualdez.
Pormal na hiniling ng prosecution sa Senate Impeachment Court ang pag-subpoena kay Atty. Jeremy Lotoc, NBI regional director, at kay John Mark Calilung, NBI senior agent.
Ang subpoena ay para padaluhin ang dalawang opisyal sa pagdinig ngayong Martes, July 7, at bukas, July 8, ganap na alas dos ng hapon.
Mahalaga umano ang mga pahayag nina Lotoc at Calilung para ma-establish ang alegasyon sa ilalim ng Article 4.
Agad naman itong inaprubahan ni Presiding Officer Sen. Chiz Escudero, at inatasan ang Clerk of Court na mag-isyu ng subpoena ad testificandum et duces tecum.
