![]()
Ipinagpatuloy ng kampo nina Senador Alan Peter Cayetano ang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay sa flood control projects.
Ito ay sa kabila ng hindi pagsipot ng mga staff at secretariat ng Blue Ribbon Committee para mangasiwa sa pagdinig.
Bago ito ay nagkaroon ng girian sa ground floor ng Senate building.
Ito ay nang hindi agad pinapasok ang mga dating tauhan ng Marines na tetestigo sa pagdinig.
Sinundo nina Senador Pia Cayetano at Senador Robin Padilla ang mga Marines subalit natyempuhan sila ni DILG Secretary Jonvic Remulla.
Tinangkang humarang ni Remulla subalit nagkatulakan sila ni Padilla.
