![]()
Nilinaw ng Philippine National Police na wala pa silang natatanggap na warrant of arrest mula sa International Criminal Court laban kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa.
Ayon kay PNP Chief, Police General Jose Melencio Nartatez Jr., laging nakahanda ang kanilang pwersa na tupdin ang kanilang mandato.
Gayunman, iginiit ng heneral na lahat ng kanilang aksyon ay dapat nakabatay sa lawful orders, mga ligal na patakaran at due process.
Sa ngayon anya nakatutok sila sa paghahanda at institutional readiness sa anumang kautusang dapat ipatupad.
Nananatili anyang professional at apolitical ang PNP sa pagtugon sa kanilang mandato at hindi nakatingin sa mga personalidad na isinasangkot.
