![]()
GUMASTOS na ang pamahalaan ng kabuuang P41.6 billion para tugunan ang epekto ng tensyon sa Middle East na umabot na ng 60 araw.
Ito ang inihayag ni Senador Sherwin Gatchalian sa pagdinig ng Senate Committee on Proactive Response And Oversight for Timely and Effective Crisis Strategy o PROTECT Committee na kanyang pinamumunuan.
Kabilang anya sa ginugulan ng pondo ng gobyerno ang pagbibigay ng mga ayuda sa mga public utility drivers na pinakaapektado ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Kinumpirma naman ito ni DepDev Undersecretary Joseph Capuno kung saan natukoy anya ng Department of Budget and Management na aabot sa P238.6 billion ang posibleng kailanganing pondo sa pagtugon sa krisis.
Sinabi ni Capuno na naipalabas na ang higit sa P130 billion bilang allotments habang P53.5 billion ang obligated fund.
