dzme1530.ph

NAVOTAS REP. TIANGCO, BUMUTO NG “YES” SA IMPEACHMENT PARA ILABAS ANG KATOTOHANAN

Loading

Bumoto si Navotas City Rep. Toby Tiangco pabor sa impeachment ni Vice President Sara Duterte upang mailabas ang buong katotohanan ukol sa mga paratang.
 
Ayon kay Tiangco, ang kanyang botong “yes” ay nakaangkla sa tungkulin ng Kongreso at sa prinsipyo na dapat ang pananagutan ay walang pinipili, hindi dapat naaantala, at dapat walang double standard.
 
Sentro ng naging desisyon nito ang isyu sa Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ni Duterte, partikular ang hindi pagdedeklara ng ilang cash assets, na dapat ipaliwanag sa tamang forum.
 
Binigyang diin ni Tiangco na ang kanyang botong “yes” ay hindi nangangahulugan na guilty na ang Bise Presidente, subalit ito’y pagbibigay daan sa pormal, maayos, at transparent na proseso sa Senado kung saan maipaliliwanag ni Duterte ang kanyang panig.
 
Ayon pa kay Tiangco, ang Senado ang tamang lugar kung saan maaaring maipaliwanag ni Duterte ang kanyang SALN, pati na ang iba pang isyu tungkol sa kanyang pinansiyal na katayuan.

About The Author