![]()
BAGO pa man maiakyat sa Senado ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte, nagpalit ng liderato ang Mataas na Kapulungan ng Kongreso.
Nahalal na bilang bagong Senate President si Senador Alan Peter Cayetano na hindi na nagkaroon pa ng kalaban.
Sa pagsisimula ng sesyon kanina, tumayo si Senador Alan Peter Cayetano at kinumpirmang mayroon na silang suporta ng 13 senador upang magpalit ng liderato sa Senado.
Lumutang din si Senador Ronald Bato dela Rosa upang sumuporta sa aksyon na pagpapalit ng liderato sa Mataas na Kapulungan.
Matapos ang ilang sandaling break, nagmosyon si Senador Joel Villanueva na ideklara ang lahat ng posisyon sa Senado na bakante.
Idinaan ito sa botohan kung saan nakakuha ng 13 affirmative votes, 10 negative votes at isa ang nag-abstain.
Agad namang ninominate ni Senador Imee Marcos si Alan Peter Cayetano bilang senate president agad naaprubahan.
Ito ay nang igiit ni Senador Kiko Pangilinan na wala silang pagtutol dahil wala silang numero.
Bago naman isara ang nominasyon, umapela si Senador Panfilo Ping Lacson at ninominate si Senador Vicente Tito Sotto III bilang senate leader.
Gayunman, sa botohan, nanalo si Senador Alan sa pamamagitan ng botong 13-9-2.
