![]()
Matapos ang halos pitong oras na tensyon, hindi inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation si Senador Ronald “Bato” dela Rosa.
Ito ay nang magkasundo ang liderato ng NBI at Senado na wala munang pag-aresto sa gitna ng warrant of arrest nito mula sa International Criminal Court.
Sinabi ni Senate President Alan Peter Cayetano na pinayuhan nila ang NBI na idaan sa lokal na korte ang warrant of arrest bago ipatupad.
Kasabay nito, nagkasundo si Cayetano at si NBI Director Melvin Matibag na i-release ang siyam na ahente sa kondisyong hindi pauuwiin ang mga ito.
Kapwa rin magsasagawa ng fact-finding investigation ang NBI at Senado kaugnay sa komosyong naganap sa Senado.
Ang siyam na NBI agents na na-cite for contempt ay may kaugnayan sa pakikipaghabulan kay dela Rosa at tangkang pagharang sa kanya na makapasok sa sesyon kahapon.
