dzme1530.ph

MRT-3, MAY LIBRENG SAKAY PARA SA SOLO PARENTS SIMULA NGAYONG MIYERKULES HANGGANG SA SABADO

Loading

May libreng sakay ang single parents sa MRT-3, simula ngayong Miyerkules, April 15 hanggang sa Sabado, April 18.

Sa advisory, sinabi ng pamunuan ng MRT-3 na maaaring i-avail ng registered solo parents ang libreng sakay simula 7 a.m. hanggang 9 a.m. at 5 p.m. hanggang 7 p.m., sa mga nabanggit na araw.

Ito ay bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Solo Parents Week, salig sa Expanded Solo Parents Welfare Act.

Ayon sa MRT-3, kailangan lamang ipakita ng eligible passengers ang kanilang valid solo parent ID sa alinmang istasyon para ma-avail ang libreng sakay.

About The Author