![]()
Umani na ng mahigit 1 million views ang official music video ng “Blush” na pinakabagong kanta ng Nation’s Girl Group na BINI.
In-upload ang naturang music video noong April 9 sa official YouTube channel ng P-pop powerhouse.
Ang “Blush” ay key track ng latest extended play (EP) ng BINI na “Signals.”
Una nilang isinapubliko ang “Blush” sa kanilang first Coachella performance noong nakaraang weekend.
Gumawa ng kasaysayan ang BINI bilang first Filipino group na nag-perform sa Coachella, isa sa world’s biggest music festivals na ginaganap sa California.
Magbabalik ang grupo sa Coachella stage sa Sabado para sa second weekend ng festival.
