dzme1530.ph

Mga taga-Metro Manila, walang dapat ikatakot kasunod ng pambobomba sa Mindanao —PNP

Tiniyak ng PNP na walang dahilan para matakot ang mga taga-Metro Manila matapos ang pambobomba sa Marawi City, sa Lanao del Sur.

Sinabi ni PNP Spokesperson P/Col. Jean Fajardo na bagaman walang namo-monitor na banta ng terorismo sa Metro Manila ay kailangan pa ring maniguro, lalo na ngayong holiday rush.

Sa ngayon ay nasa ilalim ng heightened alert ang Metro Manila na ang ibig sabihin, ayon kay Fajardo, ay 75% ng kanilang mga tauhan ay lalabas para ma-sustain ang police visibility, lalo na sa matataong lugar, gaya ng mga mall at worship places.

Hinigpitan ang mga checkpoint sa border sa pagitan ng Metro Manila at Bulacan habang nagsasagawa rin ng pag-i-inspeksyon ang mga pulis sa mga terminal ng bus. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author