dzme1530.ph

SOUTH KOREAN ACTRESS PARK SHIN HYE, BUNTIS SA IKALAWANG PAGKAKATAON

Loading

Ipinagbubuntis ng South Korean actress na si Park Shin Hye ang pangalawa nilang anak ng kanyang mister na si Choi Tae Joon.

Ayon ito sa report ng Soompi, matapos kumpirmahin ng agency na Salt Entertainment ang pagdadalang-tao ni Park Shin Hye at inaasahang manganak ito sa “fall” o Setyembre hanggang Oktubre.

Ikinasal sina Park Shin Hye at Choi Tae Joon noong January 2022, kung saan ang bridal gown ng The Heirs star ay idinesenyo ng Filipino fashion designer na si Monique Lhuillier.

Mayo ng nasabing taon nang isinilang ng aktres ang kanilang panganay na anak na lalaki.

Nakilala rin si Park Shin Hye sa kanyang pagganap sa “The Doctors” at “Pinocchio”, habang si Choi Tae Joon ay napanood sa “Suspicious Partner” at “A Girl Who Sees Smells”.

About The Author