![]()
Ibinaba ng International Monetary Fund (IMF) ang kanilang economic growth outlook para sa Pilipinas ngayong taon.
Dahil ito sa nangyayaring kaguluhan sa Middle East at sa nagpapatuloy na epekto ng flood control corruption scandal.
Sa latest World Economic Outlook, sinabi ng IMF na inaasahan nilang lalago ang ekonomiya ng Pilipinas ng 4.1% ngayong taon, mas mabagal sa 5.6% outlook noong Enero.
Sakaling mangyari, ito na ang ikaapat na sunod na taon na mabibigo ang Pilipinas na maabot ang economic growth target, na ibinaba na sa 5.0 to 6.0 percent.
