dzme1530.ph

Mga suspek sa Degamo murder case babasahan na ng sakdal

Ngayong araw nakatakdang babasahan ng sakdal ng Manila Regional Trial Court ang mga suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

Ala-1:30 ng hapon naman ito gaganapin na siyang itinakda ng Manila RTC Branch 51 ang arraignment at pre-trial conference sa mga kasong hinahawakan nito sa mga suspek.

Kabilang sa isasalang sa arraignment sina Marvin Miranda, Joven Javier, Jhudiel Rivero, Rommel Pattaguan, Rogelio Antipolo Jr. Dhaniel Lora, Benjie Rodriguez at iba pang mga kasama sa nasabing kaso.

Nabatid na kasama sa mga idinidiin na mastermind si Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News

About The Author