![]()
Mga empleyado ng Manila City Government, tatanggap na ng third tranche ng salary increase.
Inaanunsyo ni Manila Mayor Isko Moreno na simula sa September 1 ay matatanggap na ng 9,364 permanent employees ang third tranche ng salary increase.
Aabot anya sa 100 million pesos ang karagdagang personnel expenses ng lungsod.
Sinabi ni Moreno na ipatutupad sa tamang oras ang salary increase sa kabila ng mahigpit na kalagayang pinansyal ng lungsod.
Inatasan ng alkalde ang mga opisyal at empleyado na simulan na ang kinakailangang proseso at mga dokumento bago ang implementasyon sa September.
