dzme1530.ph

MGA BENEPISYARYO NG UPLIFT, MAAARING MAGPADALA NG KINATAWAN PARA KUMUHA NG AYUDA, AYON SA DSWD

Loading

Puwedeng magpadala ang mga benepisyaryo ng Unified Package for Livelihood, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) Program ng kinatawan upang kunin ang kanilang cash assistance, kasabay ng pagsisimula ngayong Lunes ng pamamahagi ng ayuda.
 
Ayon kay DSWD Spokesperson Irene Dumlao, ito ang kaibahan ng UPLIFT sa naunang cash relief assistance distribution.
 
Aniya, ngayon ay alam na kung sinu-sino ang ibang miyembro ng pamilya na maaaring magsilbing kinatawan ng UPLIFT beneficiary dahil mayroon nang paraan ng beripikasyon.
 
Una nang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na 7.5 milyong kabahayan ang makikinabang sa UPLIFT Assistance Program sa gitna ng muling pagtaas ng presyo ng langis.

About The Author