dzme1530.ph

ALAMIN ANG FIRST AID KAPAG NATALSIKAN NG KEMIKAL ANG MATA

Loading

Nagbabala ang mga health experts na ang pagtalsik ng kemikal sa mata ay maaaring magdulot ng matinding iritasyon, pagkasunog ng cornea, paglabo ng paningin, at pagkabulag kung hindi agarang malalagyan ng tamang paunang lunas.
 
Kabilang sa mga kemikal na maaaring makapinsala sa mata ang bleach, panlinis ng inidoro, detergent, acid, at iba pang matitinding panlinis na gamit sa bahay o trabaho.
 
Ilan sa mga sintomas nito ang matinding hapdi, pamumula, pagluha, pamamaga, panlalabo ng paningin, at pakiramdam na parang may buhangin sa loob ng mata.
 
Kapag natal­sikan ng kemikal ang mata, agarang banlawan ito gamit ang malinis na umaagos na tubig sa loob ng hindi bababa sa dalawampung minuto.
 
Kung may contact lenses, alisin muna habang nagbabanlaw. Huwag kuskusin ang mata, huwag maglagay ng iba pang kemikal upang kontrahin ang unang kemikal, at huwag gumamit ng eye drops maliban kung ipinayo ng doktor.
 
Mahalagang magpatingin agad sa ophthalmologist, lalo na kung matindi ang hapdi, may pagbabago sa paningin, o ang nakapasok ay matinding acid o alkali gaya ng mga produktong may caustic soda.
 
Sa mga ganitong insidente, huwag nang maghintay na lumala ang sintomas bago humingi ng tulong medikal. Ang maagang pagbanlaw at agarang pagpapatingin sa health professional ay mahalaga upang mabawasan ang panganib ng permanenteng pinsala sa paningin.

About The Author