dzme1530.ph

VIDEO CONFERENCING SA DETAINED SENATORS, NAKADEPENDE SA KORTE AT HINDI SA RULES NG SENADO

Loading

Kahit amyendahan ng Senado ang kanilang rule para payagan ang remote participation sa pamamagitan ng video conferencing, kailangan pa rin ng mga detained senators na humingi ng approval ng korte o permiso mula sa custodial authorities para makasali sa sessions online.
 
Ayon kay UP Law Professor Paulo Tamase, hindi maaaring atasan o pilitin ng Senate Rules ang mga korte, jail authorities, o international bodies na payagan ang mga nakakulong na mambabatas na mag-participate remotely.
 
Sinabi ni Tamase na sakaling ma-detain si dela Rosa sa Pilipinas, kailangan nito ng permiso sa local courts.
 
At kung i-turn over ang senador sa International Criminal Court, ang permiso ay kailangang manggaling sa ICC.
 
Lumutang ang debate sa virtual participation sa gitna ng pangamba mula sa Senate Minority Bloc na ang panukalang amyenda ay maaaring pakinabangan ng mga senador na nahaharap sa legal na suliranin, imbestigasyon, o posibleng pagkakakulong.
 
Nagbabala rin si dating Senate President Franklin Drilon na ang pag-amyenda sa Senate Rules ay makaaapekto kalaunan sa impeachment proceedings dahil posible itong magsilbing supplementary rules para sa impeachment court.

About The Author