dzme1530.ph

Malagim na pagsabog sa Marawi City, may malakas na indikasyon ng foreign elements —DND Chief

Tumangging sumagot si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa tanong kung may kinalaman ang giyera sa pagitan ng Israel at teroristang grupong Hamas sa pagpapasabog sa Mindanao State University sa Marawi City.

Sinabi ni Teodoro na wala siya sa posisyon para magsiwalat ng mga detalye, bagaman may malakas na indikasyon aniya ng foreign elements sa malagim na pagsabog at ipinauubaya na nila ang imbestigasyon sa PNP at AFP.

Iniimbestigahan din ng mga otoridad kung may kinalaman ang pagpapasabog sa sunod-sunod na operasyon ng militar sa mga teroristang grupo.

Matapos ang pagsabog ay itinaas ang Red Alert sa Mindanao habang naka-heightened alert sa Metro Manila bilang pag-iingat. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author