dzme1530.ph

4 patay habang hindi bababa sa 50 ang sugatan sa pagsabog sa gitna ng misa sa Mindanao State University

Binulabog ng pagsabog ang gymnasium ng Mindanao State University sa Marawi City sa kasagsagan ng misa, pasado ala-7 ng umaga kahapon.

Ayon sa PNP, 4 ang kumpirmadong patay habang hindi bababa sa 50 ang mga nasugatan.

Bago naganap ang pagsabog ay mayroon umanong natanggap na babala ang isa sa mga estudyante mula sa isang kaklase na mag-ingat dahil mayroong nakatamin na bomba sa gym sa bandang likurang mga upuan, subalit hindi ito pinansin.

Sinabi ng PNP na mayroong nakitang fragment ng 60-millimeter mortar sa pinangyarihan ng krimen at patuloy ang kanilang imbestigasyon kung sino ang nasa likod ng malagim na pagsabog.

Mariing kinondena ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang aniya’y karumal-dumal na pagsabog na ang nasa likod ay mga dayuhang terorista. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author