dzme1530.ph

MALACAÑANG, UMAASANG MAIPAPASA NG KONGRESO ANG PRIORITY BILLS NG MARCOS ADMINISTRATION SA KABILA NG BUDGET SEASON AT IMPEACHMENT TRIAL

Loading

Umaasa ang Malacañang na maipapasa ng Kongreso ang priority legislative measures ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
 
Sa kabila ito ng nalalapit na deliberasyon sa proposed 2027 national budget at ongoing impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
 
Sa press briefing, sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na umaasa ang Pangulo na bibilisan ng mga mambabatas ang pag-aksyon sa priority bills ng administrasyon dahil para ito sa kapakinabangan ng taumbayan.
 
Samantala, inihayag din ni Castro na nananatiling focus si Pangulong Marcos sa trabaho sa kabila ng pabago-bagong survey ratings.
 
Aniya, hindi apektado ng numero ang Pangulo, tumaas man o bumaba ang ratings nito sa survey dahil nakatutok lamang ito sa pagtupad sa tungkulin.

About The Author