dzme1530.ph

KING CHARLES, NAG-HOST NG PRIVATE FAMILY GATHERING PARA KINA HARRY AT MEGHAN SA GLOUCESTERSHIRE

Loading

Pinangunahan nina King Charles at Queen Camilla ang pagtanggap sa Duke and Duchess of Sussex na sina Harry at Meghan, at sa kanilang mga anak na sina Prince Archie at Princess Lilibeth, sa Highgrove House, na private country residence ng Hari sa Gloucestershire, England.
 
Ito ang unang beses na nakita ni King Charles ang buong pamilya sa loob ng apat na taon, mula nang magtungo sina Harry, Meghan, at kanilang mga anak sa United Kingdom para sa Platinum Jubilee celebrations ni yumaong Queen Elizabeth.
 
Sa mga nakalipas na taon, dumadalaw saglit si Harry sa UK, kabilang na ang pagdalo sa libing ng kanyang lola noong 2022 at sa coronation ng kanyang ama noong 2023.
 
Bumalik si Harry sa UK para sa Invictus Games, na isang Paralympic-style sporting competition para sa injured servicemen at veterans, at sa iba pang charity engagements.
 
Bilang bahagi ng Invictus Games countdown, naglaro ang Duke ng pickleball sa Birmingham venue na nakatakdang mag-host ng kompetisyon sa 2027.

About The Author