![]()
Hinihintay pa ng Department of Agriculture (DA) ang kumpirmasyon mula sa iba’t ibang tollway operators.
Kabilang na rito ang San Miguel Corporation at iba pang may kaugnayan sa Villar Group, para sa alok na rebate program sa agricultural trucks, sa gitna ng tumataas na presyo ng petrolyo.
Unang lumapit ang DA, sa pamamagitan ng Department of Transportation at ng Toll Regulatory Board, sa tollway operators noong Setyembre para humiling ng toll holidays.
Sinabi ni Agriculture Undersecretary Arrey Perez na humihirit ng toll discounts ang ahensya para sa agri trucks upang makatulong na mapababa ang food inflation.
Samantala, ibinalik ng Metro Pacific Tollways Corp. (MPTC) ang kanilang toll rebate program sa lahat ng kanilang network simula sa Oct. 1 at tatagal ito hanggang sa Nov. 30, 2026.
