![]()
Lima pang testigo sa Article IV o grave threat ang iniatras ng prosecution team.
Sa ika-anim na araw ng impeachment trial, inilahad ni House Lead Prosecutor Rep. Gerville Luistro ang pagbawi sa mga sumusunod na testigo:
- Representative mula sa PNP Firearms and Explosives Office
- Journalists na sina Mikhail Flores at Bonz Magsambol
- Davao City Sheriff Abe Andres
- Kaanak ng isang biktima ng pagbabanta
- Psychiatrist
Una rito, sa Day 5 ng trial, inatras na rin ng prosekusyon ang pagtestigo ni Atty. Zuleika Lopez, ang Chief of Staff ni VP Duterte, at ni Capt. Belinda Bello ng House Sergeant-at-Arms Office.
Kinumpirma rin ni Luistro na sa Martes, July 21, si NBI Director Melvin Matibag na ang huling testigo ng prosekusyon sa grave threat o Article IV.
Sa kabuuan, pitong testigo sa Article IV o grave threat ang hindi na ginamit ng prosekusyon sa paniniwalang sapat na ang ebidensya upang mapatunayan ang kasong pagbabanta ni VP Duterte.
