dzme1530.ph

VP SARA, TINAWAG SI NBI DIRECTOR MATIBAG NA “NOBODY” O WALANG KWENTA

Loading

Tinawag ni Vice President Sara Duterte si National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag na “nobody” o walang kuwenta.

Sa gitna ito ng imbestigasyon ng NBI sa mga ari-ariang iniuugnay sa Bise Presidente at sa kanyang pamilya.

Sa ambush interview sa Zamboanga City, hiningan ng komento si VP Sara sa hamon ng NBI chief na kasuhan siya kung sa tingin ni Duterte ay biased siya o may ginagawang mali.

Sagot ni VP Sara, hindi siya interesado kay Matibag, at walang may interest dito, kasabay ng pagtawag sa NBI director na walang kuwenta.

Noong Martes ay ni-refer ng NBI ang kanilang fact-finding investigation report sa Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ng Bise Presidente sa Office of the Ombudsman para sa evaluation at appropriate action.

About The Author