dzme1530.ph

CHINESE AMBASSADOR JING, DAPAT IDEKLARANG PERSONA NON GRATA

Loading

IGINIIT ni Senador Risa Hontiveros na dapat ideklarang persona non grata si Chinese Ambassador Jing Quan.
 
Kasabay nito, kinondena ni Hontiveros ang mga banta ng ambassador ng China na isa anyang uri ng gray zone agression na nakatago sa diplomatikong pamamaraan.
 
Sinabi ng senador na tinatakot at ginigipit ng ambassador ang bansa upang sumunod sa kanilang kagustuhan upang hindi umabot sa aktuwal na digmaan.
 
Dapat maging malinaw anya sa China na walang anumang banta ang makakapagpasuko sa karapatan ng Pilipinas.
 
Ipinaliwanag ng senadora na gaya ng sinumang miyembro ng community of nations na sumusunod sa batas, dinedepensahan lang ng Pilipinas ang karapatan nito sa ligal at demokratikong pamamaraan.
 
Binigyang-diin ni Hontiveros na wala na sa lugar ang ambassador na nagbabanta sa kanyang host country kaya’t hindi sapat ang pagpapatawag sa kanya kung dapat iginiit ng gobyerno ang pormal na pagbawi sa naging pahayag ng ambassador at paghingi ng tawad mula sa Beijing.
 
Kung hindi, iginiit ng mambabatas na dapat siyang ideklarang persona non grata.
 
Idinagdag pa niyang dapat iakyat ng Pilipinas ang pagbabantang ito sa ASEAN at sa United Nations General Assembly.

About The Author