dzme1530.ph

MAHIGIT 200K PRESIDENTIAL SCHOLARS, TARGET MAPAGTAPOS SA PAG-AARAL NG MARCOS ADMINISTRATION

Loading

Target ng pamahalaan na mapagtapos ng pag-aaral ang mahigit 200,000 eligible high school students sa pamamagitan ng Bagong Pilipinas Presidential Scholars Program (BPPSP).
 
Pahayag ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa orientation ng 105 presidential scholars mula sa 21 barangays sa Pinaglabanan Elementary School sa San Juan City.
 
Karamihan sa mga benepisyaryo ay kasalukuyang nasa third year at fourth year high school.
 
Sa orientation, binigyang-diin ng Pangulo ang kahalagahan ng pamumuhunan sa kabataan, sa pagsasabing sila ang magiging susunod na mga lider ng bansa na mabibigyan ng mahahalagang gampanin sa pamahalaan, pagnenegosyo, edukasyon at iba pang sektor.
 
Hinimok din ni Marcos ang mga scholar na samantalahin ang oportunidad, kasabay ng paglalarawan sa edukasyon bilang kayamanan na hindi maaaring maagaw o makuha ng kahit na sino.

About The Author