dzme1530.ph

Mahigit 135 Chinese vessels, naispatan sa Julian Felipe Reef

Mahigit 135 Chinese maritime militia vessels ang na-monitor ng Philippine Coast Guard sa Julian Felipe Reef.

Sa statement, sinabi ng PCG na una nilang namataan ang 111 chinese vessels sa naturang lugar noong Nov. 13.

Umakyat ang bilang sa 125 at pagsapit ng Dec. 2 ay umabot sa mahigit 135 ang naispatang Chinese vessels.

Sinabi ng PCG na dinagdagan nila ang pagpapatrolya sa Julian Felipe Reef na bahagi ng Kalayaan Island Group, at noong Sabado ay idineploy nila ang BRP Cabra at BRP Sindangan. —sa panulat ni Lea Soriano

 

About The Author