dzme1530.ph

Taas-pasahe sa MRT-3, sasalubong sa mga commuter sa 2024

Pagpasok ng 2024 ay asahan na ng mga pasahero ang dagdag-pasahe sa MRT-3.

Mula sa kasalukuyang P13 ay magiging P16 na ang minimum fare habang P34 ang end-to-end fare o mula North Ave. hanggang Taft Ave.

Inaasahang sa Enero ipatutupad ang fare hike sa MRT-3 na ayon kay Transportation Secretary Timothy John Batan ay itinatapat lamang nila ang pangangailangan ng maintenance at operasyon sa pasahe na ibinabayad ng mga commuter. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author